Hawak na ng San Juan Municipal Police Station ang dalawang dating pulis na nasa likod ng nangyaring panggagahasa at pagpatay sa isang15 anyos na dalagita sa Ilocos Sur.
Ito’y matapos silang maaresto ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG nang pagsilbihan ng Warrant of Arrest sa Brgy Bannuar bayan ng San Juan.
Kinilala ni IMEG Spokesperson P/Maj. Mae Cunanan ang mga suspek na sina Police Staff Sgt. Marawi Torda at Police Staff Sgt. Randy Ramos.
Nasibak sa serbisyo ang 2 matapos pagbabarilin ang pinsan ng nabiktima nilang si Fabel Pineda matapos silang ireklamo dahil sa ginawa nilang panggahasa gayundin sa pagpatay sa dalagita.
Makalipas ang isang taong pagtatago, maihahatid na rin sa korte ang 2 dating pulis upang litisin at mapanagot sa krimeng kanilang nagawa.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)