Arestado ang dalawang dayuhan na overstaying o iligal nang nananatili sa bansa sa magkahiwalay na operasyon sa Mandaluyong at Quezon City.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), inaresto sa harapan ng Hall of Justice Building sa Mandaluyong City ang Nigerian na si Ikechukwu John Shedrack.
Gumagamit umano ng iba’t ibang pangalan si Shedrack para maitago ang totoo nitong pagkakakilanlan.
Inaresto naman ang South Korean na si Dae Heom Kwon sa loob ng isang bar sa Kamias Road sa Quezon City.
Si Kwon ay subject naman ng summary deportation order na inisyu ng BI-Board of Commissioners.
Parehong naka-detain ang dalawang dayuhan sa BI Detention Facility ng Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng kanilang deportasyon.
Kaugnay nito ay ilalagay rin sila sa immigration blacklist para hindi na muling makapasok sa loob ng bansa. —sa panulat ni Hannah Oledan