Naaresto na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang dayuhan na sinampahan ng kaso sa kanilang bansa.
Nabatid na humingi ng tulong sa pamahalaan ang Taipei Economic and Cultural Office para mahuli ang isang 33-anyos na Taiwanese na nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms sa pingtung district court sa Taiwan.
Nahuli din sa isa pang operasyon, ang isang 37-anyos na Korean National sa isang condominium sa Barangay Marcelo Green dahil naman sa kasong fraud na inihain ng Seoul Bukbu District Court sa South Korea.
Sa ngayon, nai-turnover na ang dalawa pugante sa tanggapan ng Bureau of Immigration para ibalik sa kanilang bansa at harapin ang isinampang kaso laban sa kanila. —sa panulat ni Angelica Doctolero