Posibleng nasa Jolo, Sulu lamang ang dalawang Malaysian na dinukot ng mga pinaniniwalaang mga bandidong Pinoy sa Sabah kamakailan.
Ito ang inihayag ng ilang news agencies ng bansang Malaysia mula sa hindi pinangalanang source.
Gayunman, nananatiling tikom ang bibig ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Malaysia hinggil sabagay na ito.
Kasunod nito, inihayag naman ng Sabah Police Commission na patuloy ang ginagawa nilang beripikasyon sa impormasyong ipinaabot ng isang tumawag sa kanilang tanggapan na humihingi ng hindi tinukoy na halaga kapalit ang dalawang bihag na Malaysian.
By Jaymark Dagala | Kevyn Reyes