Unti-unti nang nadaragdagan ang mga “three star” o lieutenant general sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang aprubahan ng National Police Commission (Napolcom) ang inihaing resolusyon ng nuo’y pnp chief camilo cascolan na gawing lieutenant general ang mga pinuno ng directorate for integrated police opearations (DIPO) ng PNP.
Unang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang promotion ni DIPO Northern Luzon Chief P/LtG. Jose Chiquito Malayo at dating PNP Spokesman ngayo’y DIPO Visayas Chief P/LtG. Dionardo Carlos.
Inaasahang susunod na rin si DIPO Eastern Mindanao Chief P/MGen. Arnel Escobal habang nasa acting capacity naman sina DIPO Northern Luzon Chief P/MGen. Israel Ephraim Dickson at DIPO Southern Luzon Chief P/BGen. Manuel Abu.
Dahil dito, kahanay na ngayon ng DIPO generals ang top 3 na miyembro ng PNP command group at magsisilbi rin silang counterpart ng mga regional command ng Armed Forces of the Philippines.