Pansamantalang kinansela ang dalawang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dulot ng masamang panahon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kaninang alas-6 ng umaga kinansela nila ang biyahe ng Cebgo na DG 6177 at DG 6187 na biyaheng Manila-Masbate-Manila.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga pasaherong apektado na makipag-ugnayan sa airline company para sa posibleng refund o rebooking.
Habang hindi naman apektado ang international flight sa kanselasyon ng biyahe.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon