Arestado ang dalawang high-value drug personality matapos magkasa ng operasyon ang pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drug Operation, Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA) at National Bureau Of Investigation (NBI) sa magkahiwalay sa bahagi ng Baguio at La Trinidad sa Benguet.
Unang hinuli ang suspek na kinilalang si Fernand Leo Vergara Quitlong sa Barangay Victoria Village, Baguio City sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera, ng Branch 61, Regional Trial Court, Baguio City.
Nakuha kay Vergara ang dalawang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20.4K; isang glass vial na naglalaman ng 5 ml liquid meth na nagkakahalaga ng mahigit P31K kasama ng mga drug paraphernalias.
Samantala, nahuli din sa operasyon ang isa pang drug suspect na kinilala namang si Eddie Chowogna Afuyog, 39-anyos,matapos makuhanan ng P34K halaga ng iligal na droga.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 ang kasong kakaharapin ng suspek.—sa panulat ni Angelica Doctolero