Patay ang dalawang kilabot na drug suspek matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa bayan ng Manaoag, lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ang mga nasawi drug suspek na sina Renzeil Sibelius at Gervin Salbino.
Nangyari ang engkuwentro Biyernes ng gabi matapos ang ikinasang operasyon ng pulisya sa barangay Oraan East.
Napag-alamang mga kilabot na nagtutulak ng droga ang dalawa at nag-ooperate sa Cordillera, Pangasinan maging sa Metro Manila.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang kalibre 45 at 38 baril na gamit ng mga suspek.
Gayundin ang isang SUV na ginagamit na getaway vehicle ng mga napatay na suspek at tatlong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P360,000.