Nababahala ang dalawang health expert sa posibleng epekto ng na-detect na bagong Omicron subvariant BA.4 sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, adviser ng National Task Force against COVID-19, malaki ang magiging epekto ng BA.4 variant lalo na sa mga may comorbidities.
Bagaman hindi nakamamatay kumpara sa Delta variant, mabilis ang transmission ng bagong virus.
Samantala, nakikita ni OCTA research fellow Dr. Guido David na magdudulot ng surge o pagdami ng bilang ng kaso ang bagong variant.
Noong Sabado, unang na-detect ang Omicron BA.4 sa isang Pinoy na nagmula sa middle east na wala namang nararamdamang sintomas.
Ikinokonsiderang variant of concern ang Omicron BA.4 na nangangahulugang mabilis itong makapaghawa at magdulot ng sakit.