Dalawang empleyado ng Kalibo International Airport sa Aklan ang sibak sa serbisyo matapos mag-positibo sa paggamit ng Shabu sa isinagawang drug test.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Director-General William Hotchkiss III, agad tinerminate ang kontrata ng dalawang job order personnel.
Ang paggamit anya ng illigal na droga ng kanilang mga tauhan ay hindi kinukunsinte ng pamunuan ng CAAP.
Nagpataw na rin ng disciplinary action laban sa ilang personnel na kabilang sa 17 nag-positibo sa paggamit ng Shabu at Marijuana sa isinagawang random drug tests simula Enero hanggang Abril sa lahat ng commercial airports na pinangangasiwaan ng CAAP.
By: Drew Nacino