Tiniyak ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na hindi matutulad ang LRT line 2 sa naging sitwasyon ng MRT line 3.
Ito ay matapos na mabatid na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang empleyado ng LRT line 2.
Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, pawang office-based at hindi sa operations line nakatalaga ang dalawang nabanggit na empleyado.
Sinabi pa ni Cabrera, hindi rin aniya regular ang pasok sa opisina ng mga ito dahil sa kasalukuyang umiiral ang work from home at skeletal working arrangement sa kanila.
Paliwanag pa ni Cabrera, naka-isolate na ang dalawang nabanggit na empleyado bago pa man mabatid na positive sa COVID-19 ang mga ito.
Aniya, obligasyon ng lahat ng kanilang mga department managers na i-monitor ang lagay ng kalusugan ng kanilang mga tauhan at kung may maramdaman na kaunting sintomas ay kinakailangang agad na ireport at i-isolate.
Even before palang sila nag-positive nandun sila sa mga suspected cases kasi nga ito yung mga kunting sama ng pakiramdam hindi na namin sila pinapapasok so, yung transmission nila sa mga ibang kaso namin sa office malayo kasi isolated na sila from the very beginning,” ani Cabrera. — panayam mula sa Ratsada Balita.