Posibleng masibak ang dalawang empleyado ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory board dahil sa pagkakasangkot sa kurapsyon.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon laban sa kinilalang sina Jin Gunda at Amelia Dela Cruz na pawang nagmula sa LTFRB National Capital Region.
Nahaharap si Gunda sa kasong estafa matapos umanong hingan ng 175,000 pesos ang isang taxi operator para mapalawig ang prangkisa nito noong 2016.
Habang ipinagharap naman si Dela Cruz ng reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa “dishonesty”, “grave misconduct” at “falsification of public documents” matapos mahuli sa video na nangingikil ng 250,000 pesos sa isang di pinangalanang complainant kapalit ng prangkisa ng UV express.