Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang service providers ng The Power Plant Mall.
Batay sa anunsyo ng mall, isa sa nagpositibo ay housekeeping personnel na nakatalaga sa north female bathroom sa R1 level mall expansion samantalang roving guard naman sa R3 level ng mall ang isa pa.
Parehong asymptomatic umano ang dalawa subalit inilagay na sa quarantine noong June 8 matapos mag positibo sa rapid test na isinasagawa sa kanila kada dalawang linggo.