Inaresto ng Philippine National Police ang dalawang empleyado ng Pasig City Hall matapos umanong mahuling tumatanggap ng lagay o suhol.
Batay sa Official Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto naaktuhan na tumatanggap ng suhol na nagkakahalaga ng P600K ang naturang mga empleyado kapalit ng umano’y business permit.
Kaugnay nito inihayag ng Alkalde na patuloy nitong titiyakin ang pagsugpo sa korapsyon at pagsulong tungo sa mabuting pamamahala sa lokal na pamahalaan.