Ligtas na nakalapag sa Zaventem Airport sa Brussels, Belgium ang dalawang eroplano matapos itong makatanggap ng bomb threat.
Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon hinggil sa posibleng bomb alert ang tanggapan ng state prosecutor at agad nitong binuksan ang imbestigasyon.
Nito lamang Marso ay nasawi ang 32 katao sa pag-atake ng Islamists bombers sa Brussels Airport at Metro Station.
By Katrina Valle
Photo Credit: Reuters