Inaresto ang dalawang (2) escalator technician sa Hong Kong makaraang pumalya ang escalator sa isang shopping mall na ikinasugat ng 18 tao.
Ayon sa imbestigasyon, kinasuhan ng Obstruction of Justice ang dalawang escalator technicians ng Otis Elevator Company dahil sa hinalang pinakialaman nila ang motor ng isang escalator sa Langham Place Mall sa Hong Kong.
Samantala, batay sa pahayag na inilabas ng Otis Elevator Company, hindi inihabla ang kanilang technicians at kasalukuyan silang nakalalaya sa bisa ng piyansa.
Matatandaang biglang tumigil ang naturang escalator na may haba na 45 metro at umandar nang paatras at dumoble ang bilis na ikinasugat ng apat (4) na lalaki at 14 na babae.
Nagtamo ng head injury ang isa sa mga biktima.
By Avee Devierte