Dalawang mag-aaral ang nasawi habang hindi bababa sa labinlima (15) ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa loob ng Marshall County High School sa Benton Kentucky.
Kabilang sa mga nasawi ang isang lalake at isang babaeng estudyante na kapwa 15-anyos
Ayon sa mga imbestigador isang 15-anyos din na mag-aaral sa nasabing paaralan ang suspek at nasa kustodiya na nila ito.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa motibo ng pamamaril ng suspek.
—-