Iniimbestigahan na ang 2 dating opisyal ng Department of Justice (DOJ) at religious workers na nakatalaga sa New Bilibid Prisons (NBP) kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na aktibidad sa NBP.
Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III na pinag-aaralan nilang bumuo ng isang fact finding group na mag-iimbestiga partikular sa hindi pinangalanang dalawang dating DOJ officials na tumanggap umano ng pera mula sa drug lords sa NBP kapalit ng proteksyon.
Ayon pa kay Aguirre, nakatanggap siya ng report sa pagtulong ng religious personnel sa pagpuslit ng mga kontrabando at prostitutes sa NBP.
Ipinabatid ni Aguirre na pinag-aaralan na rin nilang buwagin ang mga komunidad sa loob ng NBP na aniya’y iligal at pinatatakbo ng mga inmates.
Maikukunsidera aniyang bigo ang kanyang liderato kapag hindi nila nalinis mula sa illegal activities ang NBP.
By Judith Larino