Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang (2) executive order na lumilikha sa EICC o Energy Investment Coordinating Council at SERG o Strategy Economics and Results Group sa Department of Finance.
Sa ilalim ng nilagdaang EO 30 ni Pangulong Duterte, mabubuo ang EICC na siyang tututok sa pagbabawas ng regulatory procedures na may kinalaman sa mga proyektong pang-enerhiya.
Layon din nito na maiwasan ang delay sa anumang proyektong pang-enerhiya ng pamahalaan.
Habang ang Executive Order 31 na siyang lilikha sa SERG ay tututok sa paggawa ng Fiscal Economics Policy Research na susuporta sa priority programs ng Finance Department.
Nilagdaan ang dalawang bagong Executive Order noong 28 ng Hunyo.
By Meann Tanbio
Dalawang EOs pinirmahan ni Pangulong Duterte was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882