Inako agad ng Islamic State (IS) ang pagsaksak at pagpatay sa isang French police commander sa labas ng kanyang bahay sa Magnanville, France.
Pinagsasaksak din ng suspek na si Larossi Abballa ang babaeng kasamahan ng pulis na secretary ng police station sa Magnanville.
Napatay ng police commandos si Abballa matapos mabigo ang mga awtoridad na makipag-negosasyon sa suspek.
Nakulong noong 2013 ang suspek dahil sa pagtulong nito sa Islamist militants na makapasok sa Pakistan.
Inilagay din ito sa security service surveillance bago umatake sa France.
Euro 2016
Nagbanta ang lalaking umatake sa dalawang pulis sa Magnanville, France sa pamamagitan ng video na ipinost sa Facebook na magmimistulang sementeryo ang Euro 2016 football championship.
Ang suspek na si Larossi Abballa ay napatay ng mga pulis bago ang planong pag-atake sa Euro Football Championship.
Inatake kasi ni Aballa ang isang French police at pinagsasaksak sa tiyan hanggang sa mamatay.
Pagkatapos patayin ng suspek ang pulis ay pumasok ito sa loob ng bahay ng biktima at dito niya binihag at sinaksak hanggang sa mamatay ang partner nito na isa ring miyembro ng French police.
Napag-alamang nakipagsanib sa rebeldeng grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang suspek.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: @AP