Nananatiling bukas ang dalawang gates ng Magat Dam sa Isabela matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Benny Antiporda, Administrator ng National Irrigation Administration, nasa 190.92 meters ang lebel ng tubig sa Magat hanggang kahapon.
Nasa “critical” level anya tubig sa naturang Dam lalo’t ang spilling level ay 193 meters kaya’t binuksan nila ang dalawa sa pitong spillways.
Sa sandali anyang gumanda pa ang panahon ay maaaring itigil na nila ang pagpapakawala ng tubig sa Biyernes.
Samantala, aabot na sa 1,069 cubic meters per second ang water inflow o naiipong tubig mula sa pag-ulan habang 979 cubic meters per second ang outflow o pinakakawalang tubig ng Magat Dam.