Nagpahayag ng kahandaan ang dalawang higanteng telco sa pagsunod sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC) na i-unlock nang libre ang mga postpaid mobile phone na nabili sa kanila pagkatapos ng lock-in period.
Ayon sa inilabas na pahayag ng PLDT-Smart handa nilang sundin ang utos ng NTC at sa katunayan aniya ay dati na silang nag-aalok ng libreng pag-unlock ng phone.
Kasabay nito tiniyak din ng Globe Telecom na tatalima sila sa nais ng NTC.
Samantala, nagpaalala rin ang NTC na dapat ilagay ng mga telco sa kanilang website ang mga dapat gawin ng mga subscriber para sa libreng pag open line.