Dalawang ginang ang timbog sa entrapment operation dahil sa pagbebenta at paggawa ng umano’y pekeng vaccination card sa Marikina City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Rovelyn Lebores, 37-anyos ng block 39, farmers 1 street at Alma Ramirez, 43-anyos ng block 42, mais street, barangay Tumana.
Ayon kay Marikina City Police Chief, Col. Benliner Capili, nasakote ng task force greyhound sina Lebores sa loob ng computer shop kung saan ginagawa ang ilegal na aktibidad.
Narekober sa mga suspek ang ilang computer na ginagamit umano sa paggawa ng pekeng vaccination cards na ibinebenta sa mga hindi bakunado sa halagang 250 pesos kada isa.
Pinaalalahanan naman ni Capili ang publiko na huwag gumamit ng pekeng vaxx cards para na rin sa kanilang kaligtasan at hindi makahawa ng COVID-19.