Hindi bababa sa dalawang gintong medalya ang target ng Philippine Weightligfting Team sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa May 12 hanggang 23.
Pangungunahan ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz ang naturang team kung saan makakasama niya sa Women’s Division sina Mary Flor Diaz para sa 45kg, Rosegie Ramos sa 49kg, Margaret Colonia para sa 59kg gayundin sina Ando para sa 64kg, Vanessa Sarno sa 71kg at Kristel Macrohon para sa (plus) +71kg.
Si Olympian Nestor Colonia naman ang mangunguna sa Men’s Team para sa 67kg kasama sina Fernando Agad Jr. para sa 55kg, Rowel Garcia para sa 61kg, Lemon Denmark Tarro sa 73kg, John Paul Padullo para sa 89kg, at John Dexter Tabique para sa (plus) +89kg.
Samanatala, posible namang makakuha ng limang gold medal ang nasabing team ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella.