Nakakita ng probable cause ang Sandiganbayan sa dalawang graft case na kinakaharap ni dating Metro Rail Transit (MRT)-3 General Manager Al Vitangcol at iba pang kasamang akusado.
Dahil dito, itinakda ng Anti-Graft Court sa January 21, 2016 ang arraignment sa grupo ni Vitangcol.
Ang kaso ay kaugnay sa umano’y maanomalyang multimillion-dollar contract para sa maintenance ng MRT.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)