Tina trabaho na ng CIDG Anti Transnational Crime Unit ang dalawang grupo ng Abu Sayyaf Group na umanoy nakapasok sa Metro Manila
Sinabi ni CIDG ATCU Chief Police Chief Inspector Roque Merdegia na hindi malayong nagpa plano ng pag atake sa Metro Manila ang mga bandido base na rin aniya sa mga pangyayari sa mga nakalipas na araw
Tinukoy ni Merdegia ang pagkakahuli nila sa San Juan sa ilang indibidwal na umanoy supplier ng armas ng Abu Sayyaf at isa pang bandido na nahuli naman sa Brgy Culiat sa Quezon City
Bukod pa ito sa pagkaka aresto nitong nakalipas na Sabado sa isang Indonesian National na expert umano sa paggawa ng bomba at konektado sa ASG at nakuhanan ng blueprint ng isang condo mall
Pinayapa naman ni Merdegia ang publiko at tiniyak ang kaligtasan ng mga ito
By: Judith Larino / Jonathan Andal