Nagpang abot ang dalawang grupo ng mga magsasaka dahil sa pag aagawan sa pag aari ng bahagi ng lupain sa Hacienda Luisita sa Tarlac.
Kapwa kini claim ng dalawang grupo ng mga magsasaka ang nasabing lupain sa Barangay Mapalacsiao.
Bitbit ang mga pamalo at itak pinalayas ang mga magsasaka mula sa Barangay Balete na umuukupa sa nasabing lupain sa Brgy Mapalacsiao laban sa grupo naman mula sa Brgy Texas.
Iginigiit ng grupo mula sa Brgy Texas na nai award na sa kanila ang nasabing lupain.
Sinabi naman ng grupo mula sa Brgy Balete na may karapatan sila sa lupain dahil sila ang nagsasaka rito batay na rin sa mga panuntunan ng Department of Agrarian Reform.
Nabawasan naman ang tensyon matapos dumating ang mga otoridad.
By: Judith Larino