Nasawi ang dalawang miyembro ng gun for hire matapos manlaban sa mga otoridad sa lalawigan ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Bots Midsayak Ganawan, at Imbran Midsapak, na pawang mga residente ng purok central Barangay Magatos Kabacan Cotabato.
Ayon sa Matalam PNP, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kahina-hinalang kinikilos ng mga suspek.
Agad na sinita ng mga pulis ang dalawa ngunit mabilis itong tumakas sakay ng kanilang motorsiklo at nagpaputok.
Napilitan naman ang mga pulis na paputukan rin sina Ganawan at Midsapak na nagresulta sa kanilang pagkasawi.
Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang isang kalibre 45 na pistol, dalawang magasin, mga bala, isang motorsiklo, isang pakete ng shabu at ibang personal na kagamitan.