Asahan na ang mas maraming pag-ulan at pagbaha sa bansa simula ngayong buwan.
Batay sa pagtaya ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan pa lamang ng Hulyo.
Ayon kay Rene Paciente, Assistant Weather Services Chief ng PAGASA, maaaring magtungo ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Visayas at southern Luzon na makakaapekto sa southwest monsoon.
Idinagdag pa ni Paciente na maituturing na “wetter months” sa bansa ang mga buwan ng Hulyo at Agosto.
By Meann Tanbio
2 hanggang 3 bagyo asahan ngayong Hulyo was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882