Lumakas pa ang Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon, bagama’t lumabas na ng PAR (Philippine Area of Responsibility) ang LPA na una nang namataan ng PAGASA.
Dahil dito, ipinabatid ng PAGASA na patuloy na makakaranas ng malakas na ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong araw na ito.
Kasabay nito, muling inalerto ng PAGASA ang publiko kaugnay sa dalawa hanggang tatlong bagyong posibleng pumasok sa bansa ngayong buwan.