Posibleng pumasok sa bansa ang 2 hanggang 4 pang bagyo ngayong buwan.
Ayon kay Samuel Duran, Weather Forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay sa kabila ng patuloy na pag-iral ng El Niño phenomenon.
Sinabi ni Duran na ang malakas na ulan kagabi ay dulot ng habagat na nakakaapekto sa Palawan, Western Visayas at Mindanao.
Batay sa tala ng PAGASA, umabot sa 61 milimeters ang dami ng tubig na ibinuhos ng thunderstorm kagabi sa pagitan ng 5:00 ng hapon at 8:00 ng gabi.
“Sa ngayon wala pang LPA o bagyo sa Philippine Area of Responsibility, yung southwest moonson po yung nakakaapekto sa may Palawan at Western section ng Visayas at Mindano. Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, asahan ang isolated rainshowers at thunderstorms sa hapon o gabi. Inaasahan pa rin natin ,2 to 4 ang maaaring bumisita sa atin na bagyo.” Pahayag ni Duran.
By: Katrina Valle | Ratsada Balita