Umarangkada na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 sa Imus National High School at General Emilio Aguinaldo National High School sa Imus, Cavite.
Sinabi ni Mayor Manny Maliksi na target ng lungsod na mabakunahan ang nasa mahigit isang libong (1,200) kabataan bawat site kada-araw.
Ayon sa pamahalaang lungsod, mas madaling mapuntahan ng mga mag-aaral ang mga paaralan kaya’t ginamit na nila ang mga ito para mapabilis ang pagbabakuna sa mga bata.
Dagdag pa ni Maliksi, mga kabataang bahagi ng rest of the population ang babakunahan sa High School vaccination site habang mananatiling sa ospital makakakuha ng bakuna laban sa covid-19 ang mga kabataang may comorbidities o nasa ilalim ng pediatric A3 category.—sa panulat ni Joana Luna