Patay ang dalawang hinihinalang bomb courier sa nangyaring engkwentro sa M’lang North Cotabato kaninang madaling araw.
Ayon kay North Cotabato Provincial Police Office Spokesman Supt. Bernard Tayong, pasado alas-3:30 kaninang madaling araw nang maharang ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin sakay ng motorsiklo sa isang checkpoint ng Philippine Army.
Gayunman sa halip na huminto ay humarurot aniya ang dalawa at nagpaputok pa ng baril sa militar na nag-resulta naman sa engkwentro na naging dahilan ng pagkasawi ng dalawang hinihinalang bomb courier.
Una rito, narekober ng mga awtoridad ang isang pekeng improvised explosive device na nakasilid sa inabandonang bag malapit sa isang tindahan sa bayan ng M’lang.
TINGNAN: Hinihinalang bomber na napatay matapos makipag-engkuwentro sa mga militar sa North Cotabato. | via @jaymarkdagala
:CTTO pic.twitter.com/YiYiJdlcXT— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 8, 2018
(Ulat ni Jaymark Dagala)