Dead on the spot ang 2 hinihinalang holdupper matapos makipagpalitan ng putok sa mga Pulis sa Binangonan, Rizal kaninang madaling araw.
Ayon kay P/Maj. Mary Anne Torres, Tagapagsalita ng CALABARZON PNP, nagsasagwa ng oplan sita ang mga Pulis sa inilatag nilang checkpoint nang parahin nila ang 2 nakamotirsiklo.
Subalit sa halip na huminto ay kumaripas pa sila ng takbo dahil sa hindi nakasuot ng helmet ang mga sakay ng motorsiklo, dahilan upang habulin sila ng mga Pulis.
Pagdating sa Mandrigal Road ay duon na sumiklab ang engkwentro na tumagal ng ilang minuto kung saan, nabaril ang isang Pulis at nagresulta sa pagkamatay ng 2 nakamotorsiklo.
Lumabas sa pagpapatuloy ng imbestigasyon na nakaw pala ang motorsiklong ginamit ng 2 napatay na salarin na hanggang ngayo’y hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)