Dalawang (2) hinihinalang miyembro ng NPA o New People’s Army ang napatay ng mga sundalo sa engkwentro sa Barangay Hilumot sa San Jose de Buan, Samar Sabado ng madaling araw.
Ayon sa 8th Infantry Division ng Philippine Army, inatake ng hindi mabilang na mga rebelde ang kampo ng mga sundalo sa nasabing lugar na ikinasugat ng limang (5) sundalo.
Narekober ang isang AK-47 rifle, mga handheld radio, at iba pang gamit.