Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi makaraang lumusob sa isang kampo ng militar sa Barangay Talalak, Santa Catalina, Negros Oriental.
Sinasabing kasama ang mga napatay sa mahigit sa 20 rebelde na lumusob sa patrol base ng 94th infantry battalion sa Sitio Kakha.
Matapos ang mahigit kalahating oras na bakbakan na ikinamatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga rebelde.
Kibilang sa mnga narekober sa pinangyarihan ng insidente ay ang mga magasin at bala ng M16 at M14 rifle, isang granada at ilan pang personal na gamit ng mga nakatakas na kasapi ng NPA.