Arestado ang 2 hinihinalang bigtime pusher matapos makuhanan ng mahigit P3 milyon na halaga ng shabu sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City.
Kinilala ang mga suspek na sina Joery Villafañe, trenta’y siete anyos at Ignito Mejares, kwarenta’y dos anyos.
Naaresto ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad matapos makipagtransaksyon ang poseur-buyer sa mga ito na kilala umanong supplier at tulak ng droga sa Cavite at mga karatig lugar.
Samantala, narekober sa mga suspek ang dalawang knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng shabu na mahigit 500 gramo na nagkakahalagang P3,400,000. –Sa panulat ni Mara Valle