Nakarekober ang militar ng dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs) at mga bala kasunod ng engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga tropa ng pamahalaan sa Surigao del Norte.
Sa isang statement, sinabi ng 30th Infantry Battalion na nagpadala ito ng mga sundalo sa Barangay Payapag sa bayan ng Bacuag dahil sa presensya ng tinatayang sampung miyembro ng New People’s Army (NPA).
Umatras naman ang mga rebelde matapos ang 15 minutong bakbakan.