Arestado ang dalawang indibidwal matapos makuhaan ng baril, ilang oras matapos ipatupad ang election gun ban sa mga Commission on Election (Comelec) checkpoints.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, kabilang dito ang isang lalaki mula Navotas.
Aniya, bandang alas 2:20 kaninang madaling araw nang harangin nila ang isang indibidwal sa checkpoint at nang i-presinta nito ang kaniyang id ay bigla na lamang nahulog mula sa kaniyang suot na shorts ang isang kalibre trenta’y otso na baril.
Habang ang isa naman ay nahuli sa lungsod ng Caloocan matapos itong harangin dahil wala itong suot na helmet.
Sa kanilang pag-inspeksyon, dito na nila ito nakuhaan ng baril at wala itong maipakitang dokumento.
Nagresulta ito sa agarang pagka-aresto sa dalawa indibidwal.
Giit ni Tecson, patunay lamang ito na epektibo ang unang araw ng paglalagay ng Comelec checkpoints sa kalakhang Maynila.– Sa panulat ni Abie Aliño