Nasawi ang dalawang indibidwal sa pananalasa ng Bagyong Roslyn sa Mexico nitong linggo.
Tumama ang hurricane Roslyn sa Santa Cruz, hilagang bahagi ng Nayarit, bilang Category 3 na nagdulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha.
Ibinaba naman ito sa isang tropikal na bagyo na may maximum sustained winds na apatnapu’t limang milya bawat oras ayon sa U.S. National Hurricane Center.
Sa huling datos, ganap nang tropical depression si Roslyn nito kahapon.
Samantala, maliit na pinsala lamang ang naiulat sa kalapit na Jalisco, ayon sa gobernador Estado at naibalik na rin ang operasyon sa paliparan ng puerto vallarta na isang International Airport. - sa panunulat ni Hannah Oledan