Pinalaya na ng Abu Sayyaf ang 2 bihag na Indonesian nationals na hawak ng mga bandido mula pa noong Hunyo.
Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander col. Jesus Mananquil Jr. Ang mga biktima na sina Mohammad Nazir, 62 anyos at Robin Piter, 32 anyos.
Matapos ang kanilang paglaya, agad silang dinala sa bahay ni dating Sulu Vice Governor Abdusakur Tan, saka itinurn-over sa Joint Task Force Sulu.
Nakatakdang iturn-over sina Nazir at Piter sa Indonesian authorities sa pangunguna ng Western Mindanao Command.
Hunyo 22 nang dukutin ang 2 malapit sa Simisa Island sa Sulu.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal
Photo By: Jonathan Andal