Nasagip ng militar mula sa kamay ng Abu Sayyaf ang 2 Indonesian kidnap victims sa Sulu kaninang umaga.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni AFP o Armed Forces of the Philippines Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana na alas-6:30 kanina nang matagpuan ang dalawang nakawalang bihag sa barangay Bunot Indanan Sulu sakay ng isang FX.
Dinukot aniya ang mga ito noong November 19, 2016 sa dagat ng Merabong sa Kunak District sa Sabah Malaysia.
Isinasailalim na sa ngayon sa custodial debriefing at medical examination ang dalawa.
Ayon kay Sobejana, inaalam pa nila kung nakataas o pinalaya ang mga banyaga.
Samantala, bago nito, alas-6:00 ng umaga kanina ay naka-engkwentro rin ng militar ang grupo ng Abu Sayyaf sa Talipao Sulu kung saan 5 terorista ang napatay.
Inaalam na ng militar kung kung konektado ang engkwentrong ito sa pagkakaligtas sa 2 Indonesian kidnap victim.
AR/DWIZ 882