Pinagdedesisyunan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hanggang sa katapusan ng Oktubre kung itataas nito sa 2% ang interest cap sa mga credit card.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier inihain na ang usapin hinggil sa 2% interest cap at ikinokonsidera na ang desisyon ng monetary board.
Sa ilalim ng patakaran, ang mga issuer ng credit card ay maaari lamang maningil ng maximum monthly add-on rate na 1% para sa credit card installment loan, at walang ibang singil o bayarin ang maaaring ipataw sa mga cash advance maliban sa maximum processing na P200 bawat transaksyon. – sa panulat ni Hannah Oledan