Naghahanda na ang Department of Tourism (DOT) Davao Region sa pag-host ng dalawang malalaking international events sa susunod na taon.
Kabilang sa mga event na ito ang 2016 Miss Earth na isasagawa sa Davao ngayong buwan at Miss Universe Cultural Show sa January 2017.
Sinasabing ang Miss Earth candidates ay pupunta sa mga destinasyon tulad ng Pearl Farm, Malagos Garden, Eden Nature’s Park, Mer Grande Beach Resort at Philippine Eagle.
Darating ang mga kandidata ng Miss Earth sa Davao City sa October 13 hanggang 20.
By Judith Larino