Isasara na ang 2 isolation facility sa Baguio City dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na kabilang sa mga ito ay ang Teacher’s Camp Isolation Facility at ang isolation facility ng Oplan Kalinga.
Paliwanag ni Magalong, kung ipatitigil na ang operasyon ng dalawang pasilidad ay mababawasan ang binabayaran ng lokal na pamahalaan.
Sa datos, nasa 18% na lamang ang occupancy rate sa lungsod.
Isasara ang 2 pasilidad sa oras na matapos ang isolation ng mga indibidwal na nananatili roon. —sa panulat ni Hya Ludivico