Sinibak sa pwesto ang dalawang jail officials kasunod ng nangyaring jailbreak sa North Cotabato District Jail sa Kidapawan City kung saan 158 preso ang nakatakas.
Ayon kay Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte-Villanueva, tinanggal sa pwesto sina Sr. Supt. Alberto Balauagm Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Central Mindanao at NCDJ Warden Supt. Peter Bonggat.
Sinabi ni Villanueva na epektibo noong linggo ang relief order sa dalawang nabanggit na opisyal.
Pinalitan si Balauag ni Sr. Supt. Joel Superficial, habang si Bonggat ay pinalitan naman ni Chief Inspector Jesus Singson.
Sa pinakahuling datos, 49 sa mga nakatakas na preso ang naaresto na at 10 ang nasawi sa kasagsagan ng follow-up operations.
By Meann Tanbio