Patay na nang matagpuan ang dalawang (2) Japanese national na napaulat na nawawala simula pa noong Martes sa Palawan.
Ayon sa imbestigador na si Senior Inspector Thirz Starky Timbangcaya, natagpuan ang bangkay ng dalawa matapos na kumanta ang tatlong (3) nahuling suspek na kanilang pinatay ang mga biktima at saka itinapon ang katawan sa bahagi ng Galoc Island.
Pinalubog din umano ng mga suspek ang bangkang nirentahan ng dalawa bago tumakas patungong Coron.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Suangco, Aladin Mohameran at Reynante Labampa.
Pinaghahanap naman ang isang Sonny Anicete na itinututorng lider ng grupo.
Nakatakda namang imbestigahan ng mga otoridad ang isa pang Japanese national na isang negosyante na sinasabing nagpapapatay sa mga biktima.
By Rianne Briones