Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang drayber ng jeepney sa lungsod ng Mandaluyong.
Nakumpirma ang resulta sa COVID-19 makaraang isailalim ang dalawang drayber sa rapid test.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Mandaluyong, target anila na maisailalim sa rapid testing ang 1,000 mga drayber ng jeepneys.
Sa unang araw ng mass testing sa lungsod, isinailalim ang higit 200 mga drayber sa rapid test, at nagpositibo nga ang dalawa rito.
Dahil dito, isasailalim naman sa confirmatory test ang dalawa.
Samantala, ayon sa pamunuan ng Mandaluyong City, paiiralin nito ang “no test, no trips policy” sa mga drayber ng jeepneys.