Magsasagawa ng dalawang joint military exercises ang Pilipinas at Australia ngayong taon upang mapatibay ang ugnayang pagdepensa ng dalawang bansa.
Nakatakdang gawin ang Dusk Caracha sa Australia ngayong buwan habang ang Dawn Caracha naman ay gagawin dito sa bansa sa Oktubre.
Ayon kay Army Spokesman Col. Benjamin Hao, 25 mga Pilipinong sundalo mula sa light reaction regiment ang ipapadala sa Australia para sa gagawing military exercises mula September 15 – 26.
Ituturo sa naturang aktibidad ang closed quarter battle training, sniper development training at unit collective training na naglalayong mapalakas ang counter terrorism skill ng mga sundalong Pinoy.
Taong 2007 nang lumagda ang Australia para sa Visiting Forces Agreement o VFA sa bansa, ang ikalawang bansa na pumasok sa naturang kasunduan kasunod ng Amerika.
By Rianne Briones