Ang dalawa ay kabilang sa 16 na panibagong nadagdag sa kabuuang bilang ng mga positibo sa COVID-19.
Napag alaman sa Deparment of Health (DOH) na walang travel history ang unang kaso sa Mindanao na kinilala bilang patient 40, isang 54 na taong gulang na lalake.
Nakitaan umano ito ng sintomas ng COVID-19 nuong pang Pebrero 24 at ngayon ay naka confine sa Mindanao Medical Center sa Cagayan De Oro City.
Samantala, patient 29 naman ang pagkaka kilanlan sa kaso sa Visayas at kasalukuyang naka confine sa Ace Dumaguete Doctors Inc.
Napag alamang bumisita ito kamakailan sa Greenhills kung saan pito sa mga nagtungo duon ang nagpositbo sa COVID-19.